Back to List
Logo
kuwentas klaras
2020-02-26

Marcos at Duterte

AT
Rep. Antonio Tinio
ACT Teachers Partylist

Marcos at Duterte

February 26, 2020

Hindi sikereto na tagahanga si Pang. Duterte ng yumaong diktator na si Ferdinand Marcos.

Sa panahon ng kampanya para sa halalang 2016, mahalaga ang naging papel ng pakikipag-alyansa ni Duterte sa pamilyang Marcos. Nakaasa siya sa pondo ng mga Marcos at sa tiyak na bulto ng boto na mapalilitaw nila mula sa “Solid North.” Bilang kapalit, ipinangako ni Duterte na pahihintulutan niya ang paglibing kay Marcos bilang bayani, bagay na kanyang isinakatuparan sa loob ng mga unang buwan ng kanyang panunungkulan bilang pangulo. Lantaran din ang kanyang pagsuporta kay Bongbong Marcos, na naghain ng protesta upang baliktarin ang pagkatalo niya kay Leni Robredo para sa puwesto ng Bise Presidente.

Malinaw ang pagpupunyagi ni Duterte upang sundan ang mga yabag ni Marcos sa landas ng pagiging tirano at diktador. Tulad ni Marcos, pambihira ang pag-alaga ni Duterte sa militar at pulis - mula sa pagdoble sa kanilang suweldo hanggang sa pagbigay sa mga heneral na nagreretiro ng mga susing puwesto sa kanyang Gabinete at administrasyon. Masasabing sa panahon ni Duterte, nakaluklok na sa poder ang isang military junta.

Tinutulak din ni Duterte at ng kanyang mga galamay sa loob at labas ng Malakanyang ang iba’t ibang iskema - pagbago ng konstitusyon; pagpataw ng pambansang batas militar; pagdeklara ng rebolusyonarong gubyerno - upang makapanatili sa poder at makapaghari bilang diktador siya nang higit pa sa nakatakdang anim na taon ng kanyang mandato.

Sa loob ng tatlong taon ng kanyang panunungkulan, nahigitan pa ni Duterte ang bilang ng mga biktima ng extrajudicial killings kumpara sa mahigit isang dekada ng martial law ni Marcos. Walang kaparis sa kasaysayan ng Republika ang pagpaslang ni Duterte ng mahigit 20,000 maralitang Pilipino sa ngalan ng kamyang huwad na gera kontra droga. Tunay ngang krimen laban sa sangkatauhan. Sa ibang aspeto, hindi siya nagpaiwan kay Marcos: sa pagsupil sa karapatang pantao at mga kalayaang sibil, paglunsad ng todong gera laban sa mga magsasakang walang lupa, Muslim, at lumad; pagsikil sa mga aktibistang mapayapang lumalaban para sa karapatan at kagalingan ng nakararami; at panggigipit sa opisiyon at mga kritiko ng kanyang administrasyon. Katulad din ni Marcos, sinisikap ni Duterte na patahimikin ang malayang pamamahayag, partikular sa pagdiin niya sa Inquirer at Rappler at sa lantarang pagpapasara sa ABS-CBN.

Hinugot din niya mula kay Marcos ang garapalang paggamit ng poder ng Presidente upang isulong ang makasariling interes ng kanyang mga pinapaburang kroni. Pinakatampok dito ang pagmando niya na ihain kay Dennis Uy ang ikatlong telco na makikipagsabayan sa Smart at Globe. Maaari ring banggitin ang pagbira niya sa Philweb ni Ongpin upang mapasakamay ito ni Greggy Araneta at pagbanat niya sa Manila Water na nagtulak sa mga Ayala na isuko ang kontrol kay Razon.

Kaya hindi katakataka na tinatalikuran ni Duterte taon-taon ang pagdiriwang sa anibersaryo ng pag-aalsa sa EDSA. Paalala ito na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, pinatatalsik ng mga Pilipino ang isang diktador.

On Tue, Feb 25, 2020 at 7:16 PM Abante Tonite [email protected] wrote:

Hello po, lumabas na po ito sa tonite. > > On Tue, Feb 25, 2020 at 6:48 PM Tonchi Tinio [email protected] > wrote: > >> Araw ng mga Sikmura >> >> Kung ipinagdiwang ang nakaraang Pebrero 14 bilang Araw ng mga Puso, dapat >> ding gunitain ito bilang unang anibersaryo ng batas na tumudla sa sikmura >> ng bawat Pilipino: ang RA 11203 o Rice Liberalization Law. Ito ang batas na >> nagtanggal sa anumang ligal na limitasyon sa dami ng bigas na maaaring >> angkatin mula sa ibang bansa. Sa halip ng mga quota sa imported na bigas, >> papatawan na lang ito ng taripa: 35% kung mula sa mga bansa ng ASEAN, at >> 40% o higit pa kung labas sa ASEAN. Tinakdang prayoridad ng >> administrasyong Duterte ang pagsasabatas nito, at pangunahing tinulak sa >> Senado ni Sen. Cynthia Villar, ang bilyonaryo sa real estate na kumikita sa >> pagpalit-gamit ng lupa para maging subdivision o mall ang dating sakahan. >> >> Katulad ng inaasahan, binaha ng daluyong ng imported na bigas ang >> merkado. Noong 2019, nakamit ng Pilipinas ang kaduda-dudang pagkatangi >> bilang numero unang importer ng bigas sa buong daigdig. Tinalo pa ng >> Pilipinas, na may populasyong 110 milyon, ang numero dos na Tsina, na may >> populasyong 1.4 bilyon. Dahil sa Rice Liberalization Law, mas malaki nang >> halos 60% ang inimport sa Pilipinas na 3.2 milyong metrikong tonelada noong >> 2019 kumpara sa nakaraang taon. Kung nagmura man ng mahigit-kumulang sa >> apat na piso ang presyo ng bigas sa palengke, sinalanta ng imported na >> bigas ang kabuhayan ng 2.4 milyong magsasaka. Bumagsak ang presyo ng palay >> nang mas mababa sa Php 15/kilo sa panahon ng anihan. Nagdulot ito ng

kahirapan, pagkabaon ng utang, at kawalan ng trabaho. Kailangang manatili >> sa Php 20/kilo o higit pa ang presyo ng palay upang kumita nang sapat ang >> mga magsasaka. Ang pagwasak sa pagsasaka ng palay ang isa sa mga >> pangmatagalang pamana ni iiwan ni Pang. Duterte. >> >> Sadyang bahagi ng disenyo ng mga nagtulak ng Rice Liberalization Law ang >> paggamit sa mababang presyo ng imported na bigas upang wasakin at walisin >> ang mga “marginal producer,” mga magsasakang atrasado ang pamamaraan at >> hindi kayang makipagsabayan sa hi-tech na agrikultura ng Thailand, Vietnam, >> at China. Matira raw ang matibay. Kung di kaya, gamitin na lang ang lupa sa >> mas mapagkikitaang negosyo - tulad ng real estate. >> >> Kabaligtaran ito ng hangarin ng mga tutol at nananawagan sa pagbasura ng >> RA 11203: proteksyon sa mga magsasakang Pilipino at pagpapaunlad sa >> pagsasaka ng palay upang magarantiya ang kasiguruhan at soberanya ng bansa >> sa pagkain. Hindi dapat iasa sa ibang bansa ang pagmumulan ng kakainin sa >> araw-araw ng bawat Pilipino. >> >> Natatandaan ko pa noong mga dekada 70-80. Itinuturing na tanda ng >> pagka-atrasado ng ating ekonomiya ang pagpapahalaga sa mga produktong >> imported, laluna sa mga gamit na pangluho na hindi kayang imanupaktura sa >> Pilipinas, tulad ng mga TV at stereo, magarang rubber shoes, at masarap na >> tsokolate. Agrikultural daw kasi ang Pilipinas. Ngayong 2020, pati mga >> pananim, imported na rin: bawang, sibuyas, bigas. Sa halip ng pagsulong, >> pag-urong. >> >