Ipaliwanag niya ang sarili niyang maleta — VP Duterte's latest excuse earns Tinio's rebuttal
House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio on VP Duterte’s latest statement:
Ipaliwanag niya ang sarili niyang maleta, sa halip na magtuturo sa iba. Ipaliwanag niya kung saan nanggaling ang bilyon-bilyong piso na unexplained wealth na pumasok at lumabas sa kanyang mga bank account na hindi niya dineklara sa kanyang mga SALN.
Gayundin, isauli na niya ang Php 448 milyon na Confidential Funds na pinababalik sa kanya ng COA. May pera pala siya para mamasyal sa limang bansa sa Europe at Asia “at no cost to the government,” sana gamitin na lang niya para bayaran ang kanyang pananagutan sa kaban ng bayan.
Lastly, huwag sanang baluktutin ni VP Duterte ang kasaysayan. Napilitan siyang mag-resign sa Gabinete matapos malantad ang pagwaldas niya ng Php 125 million Confidential Funds in 11 days, hindi dahil sa umano’y “tumanggi akong pumirma sa isang pambansang budget na hindi ko kayang ipagtanggol sa taumbayan.” In the first place, hindi naman pumiprima ang Bise Presidente sa pambansang budget. Higit pa rito, walang anumang imik na nagmula sa kanya hinggil sa korpasyon sa buong panahon na kabilang siya ng Uniteam. Nung kakampi, tahimik. Ngayon hindi, pumoposturang anti-corruption. Huwag kami.