Back to List
Logo
media releases
2026-07-13

DEFEND THE ARBITRAL VICTORY THROUGH INDEPENDENT FOREIGN POLICY, NOT GREAT-POWER ALIGNMENT

AT
Rep. Antonio Tinio
ACT Teachers Partylist

Ten years have passed since the historic 2016 Arbitral Award affirmed the Philippines’ sovereign rights and maritime entitlements within our Exclusive Economic Zone under international law. Kinikilala namin ang makasaysayang tagumpay na ito bilang patunay na ang batas—hindi lakas ng armas—ang dapat umiral sa paglutas ng sigalot sa pagitan ng mga bansa.

The ruling decisively rejected China’s baseless nine-dash line claim and strengthened our legal standing in the West Philippine Sea. Ito ay tagumpay ng bawat Pilipino, hindi ng Washington o Beijing.

Yet we warn that this victory must not be weaponized to deepen our entanglement in the strategic rivalry between the United States and China. Ginagamit ng administrasyong Marcos ang arbitral award bilang dahilan para palakasin ang military dependence sa Amerika, hindi para ipagtanggol ang ating soberanya.

The expansion of Enhanced Defense Cooperation Agreement sites, the rotational presence of foreign troops, and the use of Philippine territory for military operations transform our nation into a forward base for great-power conflict. Nagpapataas ito ng regional tensions at naglalantad sa ating mga mamamayan sa panganib na hindi sumusuporta sa ating tunay na interes.

Tunay na pagprotekta ng soberanya ang independiyenteng patakarang panlabas na nakatuon sa diplomasya, rehiyonal na kooperasyon, at sariling lakas—hindi sa foreign military dependence. Dapat tayong makipagtulungan sa lahat ng bansa bilang kaibigan habang tinatanggihan ang pagiging piyun sa kompetisyon ng malalaking kapangyarihan.

Ang 1987 Konstitusyon ay malinaw: ang estado ay dapat magpursigi ng independiyenteng foreign policy kung saan ang soberanya ng bansa, integridad ng teritoryo, at kapakanan ng Pilipino ang nangunguna.

Hinihikayat natin ang administrasyon na ipagpatuloy ang diplomatic engagement, multilateral cooperation, at peaceful dialogue habang binubuo ang sariling maritime at defense capabilities. Kailangan nating palakasin ang ekonomiya upang makabuo ng credible defense capacity na hindi nakadepende sa ibang kapangyarihan.

Ang tunay na kalayaan ay hindi lamang ang ipagtanggol ang ating mga dagat kundi pangalagaan din ang ating kalayaang magdesisyon ng ating kapalaran. Dapat ang Pilipinas ay tulay para sa kapayapaan sa rehiyon—hindi lunsaran ng gera.

Nanawagan kami sa lahat ng Pilipino na ipagtanggol ang arbitral award, ipagsigawan ang ating mga karapatan sa West Philippine Sea, at manatiling matatag sa pagsusulong ng independent foreign policy na nagsisilbi lamang sa isang interes—ang interes ng bawat Pilipino.