Back to List
Logo
media releases
2026-09-19

Tinio condoles with victims of South Cotabato school shooting; demands swift probe, accountability, and urgent action on school safety and youth welfare

AT
Rep. Antonio Tinio
ACT Teachers Partylist

ACT Teachers Representative and Deputy Minority Leader Antonio Tinio expressed his deepest sympathy to the families, classmates, teachers, and the entire community of Banga National High School in Banga, South Cotabato, following the shooting incident inside the school campus on Friday afternoon that left three students dead, including the suspected shooter, and eight others wounded.

“Ipinababatid ko ang pinakamalalim na pakikiramay sa mga pamilya ng mga batang nasawi, sa mga nasugatan, at sa buong komunidad ng Banga National High School. Hindi mapapantayan ng anumang salita ang sakit na kanilang dinadala ngayon,” Tinio said. “Ang bawat batang nawalan ng buhay sa loob mismo ng kanilang paaralan ay isang trahedya na hindi dapat nangyayari. Paaralan sana ang kanilang pinakaligtas na kanlungan, hindi isang lugar ng karahasan.”

Tinio said the incident adds to the growing list of violent episodes inside school premises that should alarm education officials and the entire government.

“Nakababahala na paulit-ulit na nangyayari ang mga karahasang ganito sa mga paaralan. Sariwang-sariwa pa sa ating alaala ang nangyari sa Ateneo de Zamboanga noong August, at ngayon, sa Banga, South Cotabato naman,” Tinio pointed out. “Hindi na ito isolated incident . Ito ay senyales ng isang malalim na krisis na dapat harapin ng pamahalaan nang buong-buo.”

The lawmaker pressed authorities to conduct a thorough and transparent investigation, including determining how the firearm came into the possession of the shooter.

“Dapat managot ang mga dapat managot. Kailangang malaman ng publiko saan nanggaling ang baril, paano ito nakuha ng suspek, at sino ang dapat managot sa kabiguan protektahan ang mga kabataan,” Tinio asserted. “Kasama rin sa imbestigasyon ang pagsisiyasat kung may mga naunang babala o senyales na hindi sineryoso ng mga awtoridad. Dapat nating tiyakin na hindi na mauulit ang ganitong trahedya.”

Tinio also called on the Department of Education and local officials to extend immediate and sustained psychosocial support to the students, teachers, and families traumatized by the incident.

“Ang mga nakaranas at nasaksihan ang karahasang ito—mga kaklase, guro, at mga magulang—ay nangangailangan ng agarang debriefing, counseling, at psychosocial support. Hindi sapat na ipasuspende ang klase; kailangang tugunan ang mas malalim na sugat sa isip at damdamin ng buong school community,” he said.

Finally, Tinio connected the tragedy to the broader neglect of the education sector, particularly as Congress deliberates on the 2027 national budget.

“Ang pangyayaring ito ay panibagong paalala ng matagalang kahinaan ng ating mga paaralan—kulang na pondo, kulang na guidance counselors, kulang na mental health services, at kulang na suporta sa mga guro at mag-aaral,” Tinio said. “Habang dinidinig natin ang 2027 budget, dapat siguraduhin ng pamahalaan at ng Kongreso na sapat ang pondo para sa kaligtasan at kapakanan ng mga bata sa mga paaralan—psychosocial services, guidance and counseling programs, at mga polisiyang nagpapalakas ng kultura ng kapayapaan at pagmamahalan sa mga paaralan. Taasan ang pondo ng taumbayan sa edukasyon at serbisyong panlipunan, hindi sa korapsyon at mga proyektong nagsisilbi lamang sa iilang tao.”

“Sana ay makamit ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay ang katarungan at kapayapaang nararapat sa kanila. Ang buong pambansang komunidad ng mga guro ay nakikiramay sa inyo,” Tinio concluded.