Back to List
Logo
media releases
2026-09-20

Tinio on Usec. Claire Castro's haze pollution statement

AT
Rep. Antonio Tinio
ACT Teachers Partylist

Inutil naman talaga. Hindi pambabastos ang pagsabi ng totoo.

Bilang spokesperson ng Presidente, dapat hindi siya nagkakalat ng maling impormasyon. Sabi niya:

“Hindi kagustuhan ninuman ang sinasapit ng Indonesia. Dala ito ng matinding El Niño - ng climate change.”

Fake news yan. Negosyo hindi klima ang dahilan ng haze pollution mula sa Indonesia. Dulot ito ng malawakang pangangaingin ng mga agribusiness corporations at mga indibidwal para sa palm oil industry ng Indonesia. Taon-taon, sinusunog ng mga ito ang malawak na kagubatan para magbukas ng mga bagong plantasyon. Dahil sa lawak ng pagsusunog, umaabot ang usok sa mga kapitbahay na bansa. Lalong kumakalat ito sa panahon ng tagtuyot, katulad ng kasalukuyang El Niño. Ngayong taon, umabot ito sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit may haze pollution sa maraming bahagi ng Pilipinas. Nitong weekend, umabot sa “very unhealthy” at “acutely unhealthy” ang air quality laluna sa Visayas at Mindanao. Tungkulin ng gubyerno na pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan laban sa mapanirang gawain ng kapitbahay na bansa.

Merong international na kasunduan tungkol dito - ang ASEAN Agreement on Transboundary Haze Pollution - na nagtakda ng mga mekanismo para sa paghingi ng impormasyon o direktang konsultasyon para matugunan ang problemang ito. Hindi ginagamit ng administrasyon ang kasunduang ito para ma-engage ang Indonesia. Ito ang context kubg bakit tinawag kong inutil ang Pangulo, lalupa at Pilipinas ang kasalukuyang chair ng ASEAN.

Hindi nakakatulong ang modus ni Usec. Castro bilang spokesperson ng Palasyo: nagpapalganap ng maling impormasyon at pilit na nililihis ang usapin sa halip na sagutin ang isyu.

Date approximate. The source does not state an exact date; this statement was issued between September 20, 2026 and September 21, 2026.