Back to List
Logo
media releases
2026-10-21

Ilang Punto hinggil sa Supreme Court Ruling on Unprogrammed Appropriations

AT
Rep. Antonio Tinio
ACT Teachers Partylist

The party’s over. Winakasan ng Korte Suprema ang mga modus at pamamaraang ginamit ng Kongreso, Senado, at Malacañang para pagpyestahan ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng pork barrel insertions at Unprogrammed Appropriations na nagresulta sa flood control corruption scandal. Sa Lagman v. Congress (G.R. No. 271059, Oktubre 7, 2026), dineklara nitong unconstitutional ang mga dinagdag ng Kongreso sa 2024 at 2025 budgets na lumampas sa kabuuang budget ceiling na sinumite ng Pangulo, at bunga nito, ang General Appropriations Acts (GAA) ng 2024 at 2025. Ito ang mga budget na nagpondo sa mga pinakamalalang kalabisan ng flood control. Dineklara rin nitong unconstitutional ang release triggers ng Unprogrammed Appropriations (UA) sa 2026 national budget.

Narito ang aming mga punto batay sa buong teksto ng desisyon.

Ang ruling ng Korte:

  1. Saklaw ng budget ceiling ang kabuuang budget - ang pinagsamang programmed at unprogrammed appropriations (p. 80). Hindi maaaring dagdagan ng Kongreso ang pinagsamang total na ito. Nagdagdag ang Kongreso ng Php 449.5 bilyon sa UA ng 2024 budget kaya lumagpas ang kabuuang budget sa ceiling na sinumite ng Presidente. Nagdagdag naman ito ng Php 17.99 bilyon sa DPWH Special Road Fund sa 2025 budget, na nagresulta rin sa paglampas sa kabuuang total. Dineklarang unconstitutional ang mga dagdag na ito, “and consequently,” ang 2024 at 2025 GAA (p. 118). Ayon pa sa Korte, lumabag din ang dagdag sa 2024 sa Administrative Code (Book VI, Chapter 4, Section 24), na nagbabawal sa Kongreso na dagdagan ang pondo ng “any project or program” lagpas sa sinumite ng Pangulo (p. 89).

  2. Hindi unconstitutional ang UA, pero dapat sumunod ito sa mahigpit na kondisyon (pp. 117-118): a) Bawal ang lumpsums - “In no case shall there be lump sums in Unprogrammed Appropriations.” b) Dapat pangunahing gamitin ang bagong kita at dagdag na non-tax revenues sa programmed spending, maliban kung may “clear and convincing reasons,” gaya ng foreign-assisted projects. c) Dapat magtakda ang Kongreso ng malinaw na pamantayan kung alin ang uunahing pondohan kapag maraming layunin ang UA. d) Dapat manatili ito sa loob ng national fiscal program na nakatakda sa budget, bilang makitid na “standby” na awtorisasyon lamang.

  3. Diniin ng Korte na dapat sukatin ang excess revenue batay sa kabuuang revenue target, alinsunod sa Araullo v. Aquino. Hindi sapat na lumagpas ang kita sa isang revenue source lamang - “artificial revenue surplus” ito. Kaya dineklarang unconstitutional at “permanently prohibited” ang Special Provisions 1(a) at (b) ng UA sa 2026 budget: nilabag nito ang Konstitusyon (Art. VII, Sec. 22) at isa itong “undue delegation” dahil walang pamantayan kung alin ang uunahin, programmed o unprogrammed, kaya ang Pangulo ang pumipili kung aling proyekto ang popondohan at magkano (pp. 55, 58, 67-71).

  4. Bagama’t pinayagan ang release ng UA para sa foreign-assisted projects (FAPs) kapag may approved loans, sinabi ng Korte na ang mga FAP na pinag-uusapan pa lamang ay dapat “clearly and fully disclosed” sa NEP o BESF, kasama ang halaga ng loan at ng counterpart ng gobyerno. “Falling short of the constitutional requirement” (pp. 55-56) ang Php 97.3 bilyong “Support to Foreign-Assisted Projects” sa 2026 NEP na walang itemization.

  5. Dineklarang unconstitutional ang SAGIP (Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs) bilang pinagbabawal na lumpsum, dahil ang Ehekutibo ang pumipili ng proyekto at halaga matapos maipasa ang budget. Php 200 bilyon ang nailabas mula rito noong 2024; Php 155.9 bilyon ang napunta sa DPWH sa huling quarter ng taon, at Php 85.8 bilyon nito ay sa flood control. Ayon sa Korte, “The SAGIP was the covert repository of lump sum allocations for DPWH infrastructure like flood control projects.” Binanggit din ng Korte ang obserbasyon ni amicus curiae Solita Monsod na ang DPWH “allocables” ang “new pork barrel,” na may “parking fee” na 6% (pp. 73-75).

  6. Hindi maaring magdagdag o mag-earmark ng pondo ang Kongreso sa mga Special Provisions nang lagpas sa sinumite ng Pangulo, alinsunod sa Administrative Code (Book VI, Chapter 4, Section 25). Ayon sa Korte, lumabag dito ang Kongreso sa pagdagdag nito ng Php 12.75 bilyon sa Special Accounts in the General Fund ng ilang ahensya sa 2025 budget (p. 106).

  7. Pinuna ng Korte ang mga dagdag at bawas ng Kongreso sa programmed at unprogrammed appropriations: “Congress severely distorted the Budget by defunding strategic development programs and projects… In doing so, it created an ‘artificial’ fiscal space that paved the way for increases in other items in the Budget. These included the DPWH’s programs, through SIPAG and BIP… as well as programs under the DOH, DSWD, and DOLE that were directed toward legislators’ patronage projects, such as AKAP and TUPAD” (p. 88). Kabilang sa mga tinapyasan noong 2024 ang mga flagship railway projects: Php 53.93 bilyong kakulangan sa North-South Commuter Railway at Php 52.63 bilyon sa Metro Manila Subway (pp. 86-87).

  8. Sinita ang Bicam sa kawalan ng transparency. Walang paliwanag sa Bicam report sa mga dagdag at bawas, taliwas sa rules ng House at Senate. Nang hingin ni Justice Caguioa ang mga dokumentong nagpapakita kung aling mga programa ang tinapyasan at ipinasok, sinabi ng Solicitor General: “there are really no documents” (pp. 112-114).

  9. Hindi “unfettered” ang kapangyarihan ng Bicam. Ayon sa Korte, ang saklaw ng awtoridad nito ay nakadepende sa mga “disagreeing provisions” ng House at Senate, at hindi nagagamot ng ratification ng dalawang kapulungan ang paglabag nito sa Konstitusyon (pp. 111-114).

Epekto sa 2024, 2025, at 2026 budgets:

2024 GAA: unconstitutional ang Php 449.5 bilyong dagdag sa UA, at bunga nito, ang GAA. Iiral ang doktrina ng operative fact, pero para lamang sa mga programa at proyektong hindi na maibabalik pa, at sa mga benepisyaryong kumilos nang may good faith. Ayon sa Korte, hindi saklaw ng proteksyong ito ang “authors, proponents, and implementors,” na “subject to criminal, civil, and administrative liability” maliban kung mapatunayan ng tamang tribunal na kumilos sila nang may good faith (p. 117).

2025 GAA: unconstitutional ang Php 17.99 bilyong dagdag sa Special Road Fund, at bunga nito, ang GAA. Same as above. May bukas na usapin na hindi tinalakay ng desisyon: as of January 2026, may Php 632 bilyon na continuing appropriations mula sa 2025 GAA. Nasa DPWH ang Php 281.9 bilyon - kabilang ang mga proyektong “for later release.” Malamang na may bahagi nitong narelease na ngayong Oktubre. Pero dahil ang proteksyon ng operative fact ay para lamang sa mga proyektong hindi na maibabalik, may pondong “buhay pa” na maaaring tuluyang hindi na magamit. Dapat linawin agad ng DBM kung magkano pa ang hindi nailalabas at kung ano ang gagawin dito.

2026 GAA: matitigil na ang release ng Php 53.6 bilyon mula sa UA - Php 50 bilyon para sa AFP Modernization at Php 3.6 bilyon para sa Risk Management Program - dahil permanenteng ipinagbawal ang release triggers nito. Ang Php 97.3 bilyong Support to Foreign-Assisted Projects ay maaari pang ilabas batay sa approved loans, pero ayon sa Korte, kulang ito sa itemization na hinihingi ng Konstitusyon.

Mga implikasyon sa 2027 budget:

Ginamit ng House sa pinasa nitong House Bill 10858 ang ilang teknik na kinondena o ipinagbawal na ngayon ng Korte Suprema:

• Ang release triggers sa UA ng HB 10858 word-for-word na kapareho ng Special Provisions 1(a) at (b) ng 2026 GAA na permanenteng ipinagbawal ng Korte. Nakasalalay dito ang Php 60.6 bilyon sa UA, kabilang ang Php 57 bilyon para ibalik sa PDIC ang pondong kinuha sa ilalim ng Special Provision 1(d) ng 2024 GAA - probisyong dineklara nang unconstitutional ng Korte sa Pimentel III v. Matula (Disyembre 2025).

• Hindi itemized ang Php 42.55 bilyong “Support to Foreign-Assisted Projects” sa UA - walang nakasaad na proyekto, loan, o ahensya. Ito ang eksaktong depekto ng Php 97.3 bilyon sa 2026 na sinabi ng Korte na “falling short of the constitutional requirement.” Lumpsum din ito, na bawal na sa UA.

• Ang parehong modus na kinondena ng Korte sa 2024 GAA: tinapyasan ng House ng Php 130.7 bilyon ang mga foreign-assisted projects, kabilang ang Php 73 bilyon sa DPWH at Php 42.8 bilyon sa DOTr, para maipasok ang “institutional amendments” o “insertions” na nagpalobo sa DPWH Basic Infrastructure Program at sa mga ayuda programs (AICS, MAIFIP, TUPAD, atbp.). Hindi nilampasan ng House ang kabuuang ceiling, pero maaaring nilabag ang Administrative Code Book VI, Chapter 4, Section 24 ng mga dagdag sa mga partikular na programa.

• Iba pang lumpsum na maaaring kuwestiyunin sa ilalim ng Belgica v. Ochoa, na muling pinagtibay ng desisyon: ang Php 41.58 bilyong Financial Assistance to LGUs (ang binansagang LGU Pork ng Pangulo) at ang Php 50 bilyon para sa AFP Modernization, na pawang walang detalye at pinauubaya sa ehekutibo ang diskresyon sa paggastos.

• Kung consistent na ia-apply ang ruling sa Administrative Code Book VI, Chapter 4, Section 25, may 25 na pagdagdag ang House sa mga halaga sa special provisions na lagpas sa sinumite ng Pangulo, na nagkakahalaga ng Php 35.16 bilyon. Kabilang dito ang bagong Php 10 bilyong Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program na wala sa sinumite ng Pangulo.

• Kawalan ng transparency: taliwas sa sarili nitong rules, walang anumang report na nilabas ang House para ipaliwanag ang paggalaw nito ng Php 189.6 bilyon sa budget. Naka-live stream ang mga netong dagdag pero hindi ang mga kaltas at substitusyon, at ang mga proponent ng bawat item na binago. Ito mismo ang kinondena ng Korte sa Bicam.

Mga panawagan:

Kung hindi babaguhin ang HB 10858, maaaring muling madeklarang unconstitutional ang ilang bahagi ng pambansang budget para sa 2027. Ano ang dapat gawin? Isang option ang pagrecall ng House sa bill na pinasa nito sa Senado (at pinagbabatayan ng kasalukuyang Senate budget hearings) upang iwasto ang mga sumablay alinsunod sa ruling. Maaari ding Senado ang magwasto ng mga ito - pagwasto sa release triggers ng UA alinsunod sa Araullo, pag-itemize kung hindi man pagtanggal sa mga pinagbabawal na lumpsum, pagrepaso sa mga Special Provisions, at higit sa lahat, pagbawi sa mga dagdag sa “hard” at “soft” pork projects kapalit ng pagbawas sa mga loan-funded projects. Panawagan din sa House leadership na i-release ang kumpletong report ng mga amyenda nito sa budget, alinsunod sa House rules. Paalala sa parating na Bicam: ayon sa Korte, ang saklaw ng awtoridad nito ay nakadepende sa mga disagreeing provisions, kailangang ipaliwanag nito ang bawat pagbabago, at hindi na pwede ang mga mayor na pagretoke na ginawa nito sa mga GAA ng 2024, 2025, hanggang 2026.

Dapat ding araling mabuti ng Ombudsman at COA kung paano panagutin ang mga “authors, proponents, and implementors” ng mga paglabag sa Konstitusyon at batas. Sinabi mismo ng Korte na ang plunder, graft, at post-enactment participation ng mga mambabatas ay hindi isyu sa kasong ito, pero “the proper officials will take note of this Decision.” If the party is indeed over, then it’s time to settle accounts.

Maaaring pagdebatihan pa kung sino ang “authors” at “proponents” na tinutukoy yamang collegial bodies ang House at Senate. Pero sa aming pananaw, walang debate kung sino ang implementors - walang iba kundi si Pang. Marcos Jr. at mga miyembro ng kanyang Gabinete. Sa implementasyon ng SAGIP, halimbawa, ang Pangulo, sina Executive Secretary Bersamin, dating DBM Sec. Pangandaman, at DPWH Sec. Bonoan ang mga implementor. Pinatitibay ng desisyong ito ang impeachment complaint na inendorso ng Makabayan bloc laban kay Pang. Marcos Jr. noong Enero kaugnay sa flood control scandal. Ispesipikong binanggit doon ang kanyang nangungunang papel sa pag-apruba ng mga proyektong popondohan mula sa UA.

It takes two to tango. The abuse and excesses that enabled the flood control corruption scandal could only happen because of the give-and-take, the tacit cooperation, and the division of spoils among the legislature and Malacañang when it comes to the budget, which is the essence of the pork barrel system.

With this ruling, the Supreme Court has highlighted the accountability of both partners - Congress for the massive insertions, the President and the executive for signing the budget, releasing funds, and choosing projects at its discretion, in violation of the Constitution and laws. Even the Bicam’s authority as the so-called third chamber with carte blanche powers to amend the budget has been clipped. The old tricks may no longer be used.

Hence, the ruling is a welcome, significant, and long-overdue check on both branches. We congratulate the petitioners who raised these issues before the court. However, the flood control corruption scandal happened despite the landmark Supreme Court rulings more than a decade ago that supposedly banned pork barrel, lumpsums, and other budget shenanigans (such as Belgica v. Ochoa, Araullo v. Aquino, both cited and reaffirmed). The lesson is clear: the people must remain vigilant. Otherwise, the pork barrel corruption inherent in bureaucrat capitalism will find a way to return with a vengeance.