TINIO: VP DUTERTE LIVING IN HER OWN WORLD
Talagang nabubuhay sa sariling mundo ng guni-guni itong si VP Sara Duterte. Nakalimutan na ba niya yung paulit-ulit na pagtanggi niyang sumagot ng anumang tanong tungkol sa kanyang budget: ‘I would like to forgo the opportunity to defend the budget in a question-and-answer format.’ Yan pala ang ibig sabihin ng transparency sa kanyang mundo.
Taktikang pusit na naman ang kanyang linya na “politika” lamang ang nasa likod ng pagsiwalat ng Makabayan bloc sa isyu ng kanyang Confidential Funds. Talagang may sabit siya. Hindi niya matatakasan yung P125 million in 11 days. Winaldas niya ang pondo ng taumbayan kaya dapat niyang panagutan.
Kongkreto at pursigido ang mga aksyon ng Makabayan para panagutin ang dalawang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan - si Pang. Marcos Jr. bilang hari ng flood control corruption scandal at si VP Sara Duterte bilang reyna ng pangungupit sa Confidential Fund.###