Back to List
Logo
media releases
2026-04-21

Wala nang kawala si Vice President Sara Duterte sa kanyang ilegal na pagwaldas ng confidential funds - Tinio

AT
Rep. Antonio Tinio
ACT Teachers Partylist

PRESS RELEASE

ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio April 21, 2026

Wala nang kawala si Vice President Sara Duterte sa kanyang ilegal na pagwaldas ng confidential funds - Tinio

Kahit sabihin pa niyang hindi pa pinal ang ang mga ito, hindi niya malulusutan ang mga Notice of Diisallowance ng COA laban sa kanya.

The Vice President and her people in the Office of the Vice President and the Department of Education themselves unwittingly provided the information that led to their undoing. Sa hearing sa Kongreso noong October 2024, inamin ni Gina Acosta at ni Edgar Fajardo, ang mga Special Disbursing Officer ng OVP at DepEd respectively, na alinsunod sa utos ni VP Duterte, binigay at pinaubaya nila kay Col. Raymund Lachica at Col. Dennis Nolasco ang confidential funds.

Ito mismo ang pangunahing batayan ng pag-isyu ng COA ng Notice of Disallowance sa Php 375 million Confidential Funds ni VP Duterte para sa taong 2023, sapagkat hindi awtorisado si Lachica na tumangan at gumasta ng CF, ayon sa mahigpit na guidelines ng COA at DBM. Tanging si VP Duterte o ang kanyang SDO (si Acosta) ang mga tinakdang “accountable” na awtorisadong mag-release ng CF at ipinagbabawal ang pag-transfer ng responsibilidad na ito sa iba.

Hindi ito maliit na bagay o simpleng teknikalidad. Ito ang paraan para matiyak na mapatotohanan ng mga direktang may hawak ng CF ang kanilang paggastos dito. Sa pag-isyu ng COA ng ND, sinasabi nitong hindi mapagkakatiwalaan ang mga patunay ng paggastos na isinumite ni VP Duterte at ni Acosta sa COA.

Kaya muli, kahit ano pang pagtambling sa argumento ang gawin ni VP Duterte, hindi maisasantabi ang paglabag niya sa alituntunin ng CF. Checkmate na siya sa Confidential Funds.

Ngunit hindi dapat tumigil ang COA sa disallowance ng Php 373 million. Una, dapat balikan ang naunang partial disallowance na inisyu nito para sa Php 73 million CF ng OVP noong December 2022. Maaari at dapat ding i-apply ng COA ang basis ng prohibited transfer from one accountable to another (pagbigay ng CF kay Lachica) para i-disallow ang buong Php 125 million CF ng 2022, hindi lang Php 73 million.

Dagdag pa, dapat ding kagyat na maglabas na ang COA ng Notice of disallowance para sa kabuuang Php 112.5 million Confidential Funds ng DepEd mula 2023 hanggang 3rd quarter ng 2024. Same basis din dahil bawal ang ginawang paglipat ng pondo kay Col. Nolasco.

Sa madaling sabi, dapat na ma-disallow ang Php 612.5 million — ang buong halaga ng CF na dumaan sa kamay at winaldas ni VP Sara Duterte.

Sa konteksto ng impeachment hearing sa Committee on Justice: dito pa lang, may probable cause na.

Kay VP Sara Duterte: isauli na ang pera ng taumbayan at harapin ang iyong impeachment!


[From COA Notice of Disallowance, March 31, 2026:

The directive given by the Hon. Vice-President Sara Z. Duterte to Ms. Gina F. Acosta to release/give the cash advances for confidential expenses to Col. Raymund Dante P. Lachica, the Head of the Vice-President Security and Protection Group (VPSPG), is contrary to Item 6.1.1 of COA-DBM-DILG-GCG-DND Joint Circular No. 2015-01 (Joint Circular) dated January 8, 2015 which provides that:

“6.1.1 Cash advances shall be used for specific legal purpose related to CF and/or IF. Under no circumstance shall it be used for liquidation of the previous cash advance or be transferred from one accountable to another.” (Emphasis supplied)*