Back to List
Logo
privilege speeches
March 16, 2026

Explanation of NO Vote on House Bill No. 8418 and Biofuels Law Amendments

AT
Rep. Antonio Tinio
ACT Teachers Partylist

Explanation of NO Vote on House Bill No. 8418

Rep. Antonio L. Tinio
Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Representative
March 16, 2026

Salamat Mr. Speaker. Alam po nating lahat na kumakaharap tayo ngayon sa pambihirang pandaigdigang krisis na dinulot ng panggigera at pambobomba ng US at Israel sa bansang Iran na nagresulta sa kasalukuyang pagkasara ng Strait of Hormuz na siyang umiipit sa pandaigdigang supply ng langis. Nakita natin ang kawastuhan ng pangangailangang tanggalin ang excise tax at VAT sa langis. Bilang mga hakbang para mabawasan o maibsan, hirap na idudulot ng pambihirang pagtaas ng presyo ng langis. Matagal nang pinapanawagan ng taong bayan na ibaba ang presyo ng langis at tanggalin ang buwis dito. Sa kabila nito, Bumoto tayo ng NO sa House Bill No. 8418 na naglalayong bigyan ng emergency powers ang Pangulo na tanggalin o bawasan ang excise tax na pinapataw sa presyo ng langis. Bakit?

Una, hindi nito mapabababa ang presyo ng langis. Kung ito lamang, ang hakbang na panukala ng administrasyon. At sa totoo lang, ito nga lang, katambal nung diniscuss kanina na bill, yung pag-amyenda sa biofuels, kung yan lang, ay hindi po makapagdudulot ng kaluwagan sa mamamayan na siyang hinihingi ng pagkakataon. Ba’t natin nasabi yun? Sa ilalim ng liberalized, privatized, and deregulated oil industry, hindi malayong yung tinatawag nating double whammy na ang mangyayari, ibabawas ang excise tax, ngunit bubulsahin lang ng buo o parte ng oil companies bilang dagdag na tubo o margin.

Dahil po sa kasalukuyan, wala pong anumang kapangyarihan ang gobyerno, at ang panukalang batas ay hindi naman nagbibigay ng ganitong kapangyarihan para tiyakin na talagang ipinapasa ng mga oil companies sa consumer ang pagbabaan ng presyo sa pagtanggal ng tax. So pwedeng tatanggalin na ang tax, mawawala ng revenue ang gobyerno at the same time magpapatong pa rin ng labis ang mga oil companies. Dahil hindi naka-unbundle ang presyo ng langis at tinuturing na top secret ang breakdown ng margin ng mga oil companies, walang paraan ng mga consumer para malaman kung talaga bang nabawasan ng 6 pesos per liter ang diesel at 10 pesos per liter ang gasoline. Madaling sabihin na nakainan ang pagtaas ng base price ng langis. ang pagbawas ng excise tax.

So yan po ang pangunahing dahilan kung bakit tumututol tayo rito. Pero kukunin ko na rin po ang pagkakataon, Mr. Speaker, para sabihin na is this it? Ito na ba ang tugon ng Marcos Jr. Administration sa walang kapantay na krisis pang-ekonomiko na kinakaharap ng sambayanang Pilipino at ng buong daigdig na dala ng gera ng US sa Iran.

Mr. Speaker, ilang araw na lang po ay matatapos na. Magbe-break na tayo. At sa Mayo na po ang balik. Samantala, kanina may news report. Pinag-uusapan na raw ng Department of Energy na maaring labis-labis—sa unang press release nila—yung up to 60 days daw ang oil reserves ng bansa. Sa katunayan, baka raw pagdating ng Abril ay, in other words, a little more than a month, 30 days lamang, yung aktual na langis na nasa bansa. So in other words, kaharap na po natin ang actual shortage.

At kung magtatagal pa ang sitwasyon, sa gitnang silangan ay pataasan na po ng presyo. Ibig sabihin niyan, makikipag-agawan na tayo sa merkado para makakuha ng supply at ang supply ay mapupunta sa highest bidder. Ganito pa katinde ang kinakaharap natin sa supply. Pinag-uusapan nga lang natin dito, fuel, gasoline and diesel pangunahin. kasama rin ng kerosene, hindi natin pinag-uusapan yung mga related petrochemical supply chains na apektado.

Ang babanggitin ko lang po dito, yung usapin ng fertilizer. Nagkakaroon na po ng matinding shortage ng fertilizer sa global supply and this will have a direct impact on, of course, our own food production and food supply. Ang punto ko po, Mr. Speaker, ay humihingi po ang pagkakataon ng mas komprehensibo at mas proactive na intervention ng gobyerno. Hindi makasasapat ang purely executive action. Kailangan ng Kongreso. Ngunit walang nakahapag, walang panukala ang executive. Pagdating ng miyerkules, sarado na po ang Kongreso. So hinahighlight po natin ang kapos na kapos na tugon ng Marcos Jr. Administration, parang relaxed na relaxed, laid back na laid back sa kabila o sa harap ng napakatinding krisis na kinakaharap ng mamamayan. Kaya po, bumoboto tayo ng NO and on another occasion, papaliwanag po natin anong tingin natin mas kagyat at pang matagalang mga solusyon sa problema natin sa presyo ng langis. Maraming salamat, Mr. Speaker.


Explanation of NO Vote on Biofuels Law Amendments

Rep. Antonio L. Tinio
Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Representative
March 17, 2026

Mr. Speaker, bumoto tayo ng NO sa panukalang batas na ito na nagbibigay sa Pangulo ng emergency powers na pahintulutan ang pangpaggamit ng imported na biofuels.

Inaamyendahan ang Biofuels Act na nagtakda nga na dapat suportahan ang lokal na industriya na nagpoproduce ng molasses at saka ng ethanol. Pangunahin, yan po ang ating sugar industry at saka coconut industry. Ang bil na ito ay isa sa tumataginting na dalawang measures certified as urgent by Malacanang, ito na raw ang tugon sa walang kapantay na krisis ng pagsirit ng presyo ng gasolina, diesel at iba pa dahil sa gera ng US sa Iran. Walang kapantay na po ang mga presyo, wala pa ang mga measures na ito, ay triple digits na po ang diesel. Hindi po magtatagal, hahabol na po ang gasolina at iba pa.

Ngayon, ang particular na problema po rito, sabi daw, bababa nang konti ang presyo kapag gumamit tayo ng imported biofuels dahil mas mahal daw yung locally produced biofuels. Totoo yan. Marahil, bagaman, debatable kung gaano kalaki ang magiging epekto para sa consumer, yung pagbaba para sa consumer, pero ang problema po natin, bakit naman ang pagbaba ng presyo ay gagawin sa pamamagitan ng pagpasa ng burden sa mga local producers natin, lalo na sa mga magsasaka na umaasa sa tinatakdang merkado ng Biofuels Act para sa kanilang mga produkto.

Malinaw po na pag pinahintulutan ng import, babagsak po ang presyo para sa produkto ng ating sugar producers at saka ng ating coconut farmers. Walang anumang probisyon para sa suporta o proteksyon sa magiging epekto sa pagbagsak sa kabuhayan ng ating mga magsasaka. Kaya ito po ang kadahilanan.

Ito po ang napakahalagang punto pa—pinapasa ang burden ng pagbaba ng presyo sa ating mga maliit na farmers sa halip na diinan ang mga malalaking kumpanya ng langis na siyang pangunahing nakikinabang at makikinabang sa papatuloy at pagtagal ng krisis. Katulad sa mga nakaraang krisis, kumita sila, super tubo, super profits, habang tuloy-tuloy na tumataas ang presyo ng langis.

Kaya for this reason, bumoto po tayo ng NO.